Ano ang Web3?

Lesson 01 Hero Art Alpha

Noong taong 2008, isang grupo ng mga anonymous na technologist, philosopher, at visionary ang nagpasimula ng panawagan para sa mas bukas na Internet.


Sa gitna ng pandaigdigang pinansyal na krisis, sinimulan nilang bumuo ng sarili nilang bagong digital na sistema ng ekonomiya na gumagamit ng mga peer-to-peer network na hindi kinokontrol ng iisang tao o entity, pero puwedeng gamitin ng kahit na sino.

Ang hindi nila alam, magkakahalaga ng trilyon-trilyong dolyar ang naiibang proyekto sa pagbabayad na ito sa loob lamang ng isang dekada, kakalabanin ang ginto bilang isang asset, at magkakaroon ng maraming iba't ibang use case na tinatawag natin ngayong Web3.

MS-01-ALPHA

Web3?

606

Ang Web3 ay isang pangmalawakang termino para sa mithiin na magkaroon ng mas mahusay na internet; isang internet na may dagdag na pagkakakilanlan, salapi, at social layer. Isang internet na binuo batay sa mga bukas na protocol na nagpapahalaga sa transparency at innovation.

Inaalis ng Web3 ang pangangailangan para sa mga tagapamagitan o mga ikatlong partido at binibigyan ka nito ng direktang pagmamay-ari sa iyong digital na pagkakakilanlan at mga asset sa paraang hindi katulad ng dati. Ito ang paglipat mula sa isang internet of information tungo sa isang internet of value.

Aminin natin, gustong-gusto nating lahat ang internet. Pinapanatili tayo nitong konektado sa mga tao mula sa iba't ibang panig ng mundo, pinapahintulutan tayong matutunan ang halos anumang bagay sa mabisang paraan, at hindi ito nauubusan ng mga nakakatawang video ng pusa. Pero seryoso, ayaw nating mawala ang alinman doon. Naniniwala tayo na ang relasyon sa pagitan ng platform at user ay dapat magbago para mas mapaglingkuran tayo. Para mas mapaglingkuran ka.

At iyon ang punto nito. Nasa maagang yugto tayo ng Web3 kung saan pinapahintulutan ng mga programmable network tulad ng Ethereum na mabilis na umusbong ang inobasyon at pagkamalikhain.

Kabilang sa mga tema ng Web3 ang:

Row 1
01

Mga digital na kabayaran gamit ang cryptocurrency.

Row 2
02

Direktang pagmamay-ari sa pagkakakilanlan, content, at mga asset mo.

Row 3
03

Digital na kalayaan mula sa mga tagapamagitan tulad ng mga bangko at malalaking tech.

Row 4
04

Bukas, mga transparent na application na binuo sa mga pampublikong blockchain.

list placeholder
05

Pamamahagi ng kapangyarihan at ahensya sa mga karaniwang tao na bumubuo, nagpapanatili, at namamahala sa mga online na platform.

Row 6
06

Ang kakayahang bumuo bukod sa iba pang mga application para gawing mas mahalaga ang buong ekosistema, tulad ng pagsa-stack ng mga lego block.

607

Sa web2 (mainstream internet ngayon), kung gusto mong lumipat sa isang bagong platform, hindi mo madadala ang iyong kasaysayan sa paraang magpapanatili ng pagiging lehitimo nito.

Kailangan mong magsimula ulit dahil ang platform ang nagmamay-ari ng iyong data at kumikita mula rito. Samantalang sa web3, maaari mong piliin na dalhin ang iyong data at pera sa ibang platform kahit kailan mo gusto dahil hindi ka nakatali sa iisa. Ang database at platform ay nagiging katumbas ng isang global utility, na maa-access at bukas para sa sinuman para sa anumang layunin.

Sa bagong web na ito, tinutukoy ang mga regular na website o application bilang mga dapp (mga desentralisadong app), na karaniwang may "Connect Wallet" button na nagsisilbing sign-in. Ang mga ito ay karaniwang bukas at libre para magamit ng lahat, saan ka man matatagpuan o anumang industriya ang pinanggalingan mo.

Ang tanong ay: ano ang mahalaga sa iyo?

Digital Asset 6
Sining

Puwedeng direktang makipag-ugnayan ang mga creator sa kanilang mga fan, bumuo ng patas na kabayaran para sa kanilang digitized artwork, at kumita pa nang hindi nagbabayad sa isang malaking tech.

Finance
Pananalapi

Nagbibigay ang Web3 ng madali at libreng access sa pananalapi sa milyon-milyong tao na hindi nagbabangko.

Identity
Pagkakakilanlan

Kinokontrol mo ang iyong pagkakakilanlan online at ibinubunyag lang ang mga bahagi ng pagkakakilanlang iyon kapag nagpasya ka.

lock
Pagmamay-ari

Pinagagana ng Web3 technology ang mga napatunayang pambihirang digital item, mapa-digital trading cards man, tickets sa isang event, in-game items, digital music, o art.

Community
Komunidad

Ang mga online social club ay nagbibigay ng perks sa mga miyembro, online residency programs, at ginagamit pa para kolektibong makapag-bid para sa mga pambihirang item.

May lugar para sa iyo sa kung saan, at kung hindi mo ito mahanaop, puwede kang gumawa ng isa para sa sarili mo. Kinakatawan ng movement sa likod ng web3 ang isang mahalagang pagbabago sa ating mundo, na hinahayaang maibahagi ang impormasyon at pagkakakilanlan sa kabila ng mga hangganan, censorship, at single source control.

Ano ang Web3?

  • Takeaway 01
    01

    Kinakatawan ng Web3 ang susunod na henerasyon ng internet

  • Takeaway 02
    02

    Kabilang sa Web3 ang cryptocurrency, NFTs, at blockchain technology

  • Takeaway 03
    03

    Ang Web3 ay isang kilusan na nagbibigay-daan sa akin para maging may-ari ng data, pagkakakilanlan, at mga asset ko

Handa nang gawin ang susunod na hakbang?

I-explore ang MetaMask
Learn