Pananalapi, Desentralisado

Lesson 07 Hero Art Alpha

Nagbibigay-daan sa atin ang mga technological innvaiovation ng crypto na lumikha ng isang bagong sistema ng pananalapi na ine-enable ang mga user na direktang makipagtransaksyon sa isa't isa gamit ang isang buong bagong ekosistema ng mga produkto, serbisyo, at tool.


Mula sa pagpapautang, pangungutang, pagkita ng interes, at pagkuha ng insurance hanggang sa mga mas komplikadong pinansyal na instrumento gaya ng mga derivative at future, may ganap na bagong desentralisadong industriya ng pananalapi na nag-aalok ng alternatibong sistema sa mga tradisyonal na sistema ng pananalapi, na inilalarawan ng paghahangad ng kita at mga hindi malinaw na proseso. Sa bagong infrastructure na ito, umiikot ang monetary system sa mga cryptocurrency, at ang pinansyal na sistemang binuo gamit ang mga cryptocurrency na iyon ay tinatawag na Decentralized Finance, o DeFi.

Pinapataas ng DeFi ang laki, bilis, at katumpakan ng aming mga pinansyal na sistema. Hindi ito nagpapanatili ng "bankers' hours"—sarado sa gabi, weekends, holidays, at sa tuwing may natural na sakuna kung kailan pinakakailangan ang pera—available ito sa buong mundo, sa lahat ng oras, sa kahit na sinong may internet connection. Mayroon itong mga antas ng transparency at censorship resistance na hindi pa nagagawa kahit kailan, na nagbibigay-daan sa kahit na sino na makipagtransaksyon dito, i-audit ito, at maging mag-build mula rito.

Tabler

Ang pagpapatakbo sa aming mga pinansyal sa sistema sa mga crypto-rail ay maaari ding maging mas mahusay kaysa sa aming tradisyonal na sistema sa maraming sukatan:

Takeaway 01
Enerhiya

Kahit gumagamit ng maraming kuryente ang pagpapatakbo ng global blockchain network, mas kaunti pa rin ang enerhiyang ginagamit nito kaysa sa mga pisikal na currency, branch ng bangko, armored na sasakyan, wire transfer, at iba pang bahagi ng sistema ng pagbabangko sa buong mundo. Ngayong gumagamit na ang Ethereum ng Proof of Stake, halos mas kaunti na nang sampung libong beses ang enerhiyang ginagamit ng network kumpara sa Netflix.

carousel4
Mga Audit, Buwis at Legal na Pagsunod

Nagbibigay-daan ang ledger technology sa kahit sino na mag-verify ng mga transaksyon, bawasan ang panloloko sa pamamagitan ng transparency at automation para maging mahirap o imposible na gumamit ng mga tradisyonal na siloed private system. Mayroong mga karagdagang teknolohiya na nililikha na nagpapahintulot na magawa ang ganitong uri ng verification habang pinananatiling buo ang privacy.

Finance
Mga Pagbabayad sa Ibang Bansa

Bagama't isa ito sa mga pinakalumang consumer proposition na inaalok ng crypto technology, malaki pa rin ang potensyal nito na hindi pa napapakinabangan. Ang ating pandaigdigang ekonomiya ay labis nang naging globalisado at interconnected sa lahat ng pambansang hangganan at ang mga benepisyo sa oras, pera, at iba pang kahusayan na inaalok ng cryptocurrency transfers sa iba't ibang bansa ay naghihintay na maisakatuparan. Mula sa perang ipinadadala ng mga kapamilyang nasa abroad, hanggang sa matrikula ng international student, hanggang sa malalaking transfer sa pagitan ng mga korporasyon, ang crypto ay nagbibigay ng payment channel na likas sa internet.

Binubuo ang DeFi ng mga komunidad ng mga protocol: mga tool na ginawa bilang pampublikong produkto.

...Ano raw?


Sabihin nating may isang program (sa Ethereum, tinatawag ang mga program na mga smart crypto na asset) na pinapayagan kang umutang. Sa DeFi, tatawagin itong “protocol sa pagpapautang”. Mahuhulaan ang mga DeFi protocol na ito, bilang naka-program, kahit sino pa ang nag-a-access sa mga ito, nang may ganap na transparency sa kanilang paggamit sa pamamagitan ng blockchain record. Kapag na-publish na ang protocol sa pagpapautang na iyon, maaari itong gamitin ng sinuman para umutang, o maging kopyahin ang code at gumawa ng kanilang sariling bersyon. Sa puntong ito, itinuturing itong pampublikong kalakal: isang mapagkukunan para sa ating lahat.

Karaniwang nakikipag-ugnayan ang mga user sa mga DeFi protocol na ito sa pamamagitan ng kanilang website, o dapp, sa pamamagitan ng pagkonekta sa kanilang MetaMask wallet at pagbibigay ng access sa dapp sa kanilang mga token.

Dahil ang protocol code ay madaling makuha, may mga scam at clone ang mga kilalang DeFi projects na lolokohin ka upang ma-access nila ang iyong wallet. Mahalaga na tiyakin mo na ang dapp na gamit mo ay yung balak mong gamitin at alam mo kung saan mo inilalagay ang iyong mga token.


Sa pamamagitan ng masusing pagpapahusay ng mga protokol na ito, ang DeFi ay sinasabing lumikha ng maraming mga primitive: mga bagong uri ng financial tool na ngayon ay magagamit na natin.

Kabilang sa ilang kilalang realm ng DeFi activity na ginawa gamit ang mga protocol at primitive na ito ang:

Pag-swap
Paglilipat ng isang token para sa ibang token (halimbawa, ETH kapalit ng DAI)
Mga liquidity pool
Ang pagbibigay ng liquidity para sa mga user na makapag-swap sa pagitan ng mga token
Arbitrahe
Pagpapatiyak ng katatagan ng presyo ng token sa mga iba't ibang marketplace.
Pautang
Ang mga gumagamit ay lumalahok sabay-sabay bilang mga nagpapautang at umuutang
Pag-bridge
Pagpapadala at pagtanggap ng mga asset papunta at paalis sa ibang network
Mga yield-bearing token
Mga DeFi asset na nagbibigay ng ilang anyo ng reward na dagdag pa sa karaniwang asset-holding
Pag-stake
Pagdedeposito ng mga token para i-secure ang isang network, o kumita ng interes

Dahil sa pagdami ng mga token at mga gamit ng mga ito, mahalaga ang kakayahang makipagpalitan ang isang uri ng token sa isa pang uri ng token para makipag-ugnayan sa DeFi, at sa web3 sa kabuuan. Ang tawag dito ay swapping tokens, at isa itong fundamental na DeFi primitive.

Ang magandang balita para sa mga taong ngayon pa lang natututo ng lahat ng ito, may feature ng Swaps ang Metamask na naka-built in sa wallet, at gumagana nang maayos. Ganito kung paano mag-swap

Pananalapi, Desentralisado

  • How is it possible
    01

    Ang DeFi, o decentralized finance, ay ang financial system ng Web3 na gawa sa mga cryptocurrency at ang mga iba't ibang bagay na magagawa mo sa mga ito

  • Prof pic-1
    02

    Ang DeFi ay binubuo ng mga protocol, na mga proyektong binuo gamit ang open-source software na tumatakbo sa mga blockchain, na kilala bilang mga smart na kontrata

  • 06 Takeaway 01
    03

    Ang value transfer, at ang pakikilahok sa iba't ibang bahagi ng ecosystem ng Web3, ay isinasagawa sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng isang uri ng token para sa isa pang token. Isang madaling paraan para gawin ito nang tama mula sa wallet mo ay sa pamamagitan ng paggamit ng Mga MetaMask Swaps

Handa nang gawin ang susunod na hakbang?

I-explore ang MetaMask
Learn