Pag-bridge ng mga Blockchain Network

Hero 09

Ngayon na nauunawaan mo ang ilan sa mga pangunahing kaalaman at pilosopiya na bumubuop sa web3, pag-aralan natin ang ilan sa mga bahagi na tumutulong sa Ethereum na maging mas mabisa sa pangangasiwa ng mas mataas na dami ng aktibidad, habang ikinokonekta ang Ethereum sa iba pang blockchain. 


Umiiral ang mga network ng blockchain bilang mga parallel universe. Karaniwang walang alam ang mga ito sa isa't isa—ang Bitcoin, Ethereum, at BNB Chain halimbawa, ay magkakahiwalay na blockchain. Kaya nagdudulot ito ng tanong na, "Paano inililipat ang mga bagay mula sa isang chain papunta sa iba pang chain?" 

Dito na papasok ang mga blockchain bridge: isang konseptong madalas mong makikita habang pinag-aaralan mo ang web3.

Gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan, kinokonekta ng mga bridge ang magkakahiwalay na network, na nagbibigay-daan sa iyong ilipat ang mga token mula sa isang network papunta sa ibang network. Kung wala ang mga ito, mananatiling nakahiwalay ang bawat network. 

Gaya ng sinabi ng ilang philosopher, :Walang blockchain ang nag-iisa. Bawat network ay bahagi ng ecosystem, isang bahagi ng Web3” 

Secondary element 09

Kailangan ang mga bridge para pangasiwaan ang komunikasyon at paglilipat ng asset sa pagitan ng mga network. 

May iba't ibang uri ng network sa web3, na karaniwang inilalarawan bilang mga layer. Ang Bitcoin, BNB Chain, at Ethereum, halimbawa, ay batayang layer-layer 1 (L1)–sa kani-kanilang universe. Maraming tao ang gustong gumamit ng isang L1 gaya ng Ethereum. Ang problema, hindi kayang gawin ng Ethereum ang lahat ng ito nang mag-isa. 

Isipin ang isang kalsada o highway na may maayos na pintura at may mga karatula at sementadong hadlang sa magkabilang gilid. Habang mas madalas na ginagamit ang highway, mas lumalala ang trapiko. Nagiging mas mahal ang pagpapanatili nito at gumugugol ng mas maraming oras at gas ang bawat tao sa kanilang biyahe. 

Para bawasan ang ganitong pasanin, gumawa ng riles ng tren sa ibabaw ng kalsada, na sinusuportahan ng mga sementadong hadlang ng highway. Mas mabilis, mas mura, sulit sa gasolina, at mas maraming maisasakay ang tren na ito. Paano kung ngayon, sa halip na bumiyahe ka gamit ang sasakyan mo, puwede kang sumakay ng tren?

Sa universe ng Ethereum, ang L1, Mainnet ng Ethereum ay parang ang pundasyong highway. Isa itong magandang kalsada pero puwede itong magbara at maging mahal. Para makatulong, bumuo ng mga layer 2 (L2) network sa ibabaw ng batayang network na ito gaya ng high-speed train para talagang bawasan ang gastos at oras na gugugulin sa highway. 

Ngayon, puwede mong iparada ang iyong sasakyan sa isang L2 station at magkaroon ng mga opsyon sa pagbiyahe mo. 

Isipin na parang isang blockchain bridge ang mga L2 station na ito. May iba't ibang exit point o labasan ang makikita sa highway (L1) kung saan puwede kang huminto at pumunta sa isang platform ng tren. Posibleng maging mas mura ang ilang station kaysa sa iba, posibleng mas mabilis ang ilan, posibleng may mababagal na elevator ang ilan, at siguradong gusto mong iwasan ang mga ito.

Micro System 09

Bakit?

Secondary Asset 09 - 02

Pero, bakit bridge?

Kapag bumibiyahe, pumupunta ka sa iba't ibang lugar para tumuklas ng bagong kalikasan, tama? Gusto mong maranasan ang lokal na kultura, merkado, at mga karanasan na available lang sa isang lugar na wala sa kasalukuyan mong tirahan. Nagbubukas ito ng mga bagong oportunidad para sa iyo. Puwede kang makipagtransaksyon gamit ang isang bagong currency, o puwede kang bumili ng mga produkto at serbisyo na makikita mo lang sa bagong bansang iyon. 

Gayundin, nagbubukas ng mga bagong posibilidad ang pag-bridge sa isang layer 2 network. Puwede mong ma-enjoy ang iba't ibang currency at mga desentralisadong application, o mga dapp, na available lang sa iba pang network, na nagta-tap ng isang progresibo at magkakakonektang web.

Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit gugustuhin mong mag-bridge:

  • Bumili ng iba't ibang token ng cryptocurrency
  • Mag-mint ng NFT na available lang sa isang partikular na network
  • Makatipid ng pera gamit ang mga mas murang transaksyon
  • Mas mabilis na makipagtransaksyon
  • Gumamit ng dapp na available lang sa ibang network.
Secondary Asset 09 - 01
L2 Stations

Okay, nasaan ang mga L2 station?

Maganda talaga ang bumiyahe, pero gaya ng alam na natin, puno ito ng komplikasyon at mga hamon: paano ka makakarating sa kung saan mo gustong pumunta sa pinakamagandang paraang posible?

Hindi lahat ng bridge ay secure. Ang mga ito ay bago pa ring teknolohiya at dapat pang pag-aralan, gaya n ng anumang pinaglalaanan mo ng pera. Napakarami ng mga ito na nagsulputanm na ginagawang mas mahirap magpasya kung alin ang gagamitin.

Buti na lang, may mga pinagsama-samang serbisyo gaya ng MetaMask Portfolio na tinutulungan kang mahanap ang pinakamagandang ruta, na isinasaalang-alang ang iyong entry point, destinasyon, at bagahe.

Isipin ang MetaMask Bridges bilang travel agent mo na may magandang track record. Sinuri nito ang iba't ibang opsyon, na bumuo ng isang selective list, at tinulungan kang imapa ang biyahe mo, na inaalis ang karagdagang panghuhula sa sitwasyon. Sabihin mo lang dito kung saan mo gustong pumunta, saan ka manggagaling, at ano ang gusto mong dalhin, at ibibigay sa iyo ng MetaMask Bridges ang optimal na ruta na iniangkop sa iyo. 

Kaya ngayon na nauunawaan mo na, nagbibigay daan ang mga bridge sa iba;t ibang chain sa loob ng universe ng Ethereum, at kumonekta sa labas. Ito ay lumilikha ng isang maunlad na web3 ecosystem na may mas maraming paraan sa pakikilahok, komunikasyon, at koordinasyon.

Pag-bridge ng mga Blockchain Network

  • Secondary Asset 09 - 01
    01

    Kinokonekta ng mga bridge ang magkakahiwalay na network ng blockchain, na pinapayagan akong maglipat ng mga token sa ibang network at makipagkomunikasyon sa maraming network

  • Secondary Asset 09 - 02
    02

    Ang mga Layer 2 network ay mga karagdagang network na binuo sa ibabaw ng isang blockchain na puwede kong i-bridge para makatipid ng oras at pera

  • Layer 2 Network
    03

    Tumutulong ang mga bridge at layer 2 network na mapaunlad ang web3 at panatilihin itong magkakaugnay

Handa nang gawin ang susunod na hakbang?

I-explore ang MetaMask
Learn