Mga NFT at Creator
Sa pagdating ng aralin sa digital na pagmamay-ari, ipinaliwanag namin kung paano ginawang posible ng mga pampublikong blockchain gaya ng Ethereum na magtalaga ng pagmamay-ari sa mga digital na file, at maiwasang magamit nang dalawang beses ang mga ito.
Bagama't nagawa ng internet na gawing nakokopya ang mga digital na file nang walang katapusan, hindi ito maganda kung isa kang artist na gusto lang gumawa ng 10 kopya ng original edition, o isang musician na gustong maglabas ng isang limited edition album.
Naging posible ang digital scarcity dahil sa Ethereum dahil ang data na idinagdag sa isang pampublikong blockchain ay nangangahulugan na makikita ng lahat kung sino ang nagmamay-ari ng kung ano man, at mabeberipika nila ang pagmamay-ari ng mga ito habang naililipat ang mga ito sa ibang kamay.
Habang nakokopya pa rin nang walang limitasyon ang digital, hindi naman nakokopya ang pagmamay-ari ng digital file. Paano naging posible iyon?
Kung hindi mo muna papansinin ang economic jargon, mahalagang ipaliwanag dito ang konseptong nagdala sa atin dito. Fungible ang Ethereum—puwede kang mag-trade ng 1 ETH para sa isa pang ETH, at magkakaroon ka ng eksaktong parehong bagay.
Ibig sabihin ng non-fungible, nag-iisa lang ito. Sa Web3, ang mga non-fungible token, o NFT ay napatunayang pambihirang digital items, iyon man ay mga digital trading card, mga ticket ng isang event, in-game item, digital music, o art.
Hindi ginagawang imposible ng NFTS na kopyahin ang mga digital file (oo, sige, "i-right click, save as" mo hangga't gusto mo), pero ginagawa nitong posible na i-link ang digital ownership sa digital file para patunayan na ito ang "totoo", kung saan ang lahat ay iniimbak at nakikita sa Ethereum o isa pang pampublikong blockchain.
Kaya ituring ang mga NFT bilang sertipiko ng pagiging tunay: habang ang orihinal na gawa ay maaaring kopyahin nang walang hanggan, ipinapaalam sa iyo ng sertipiko kung alin ang orihinal.
Dinala ng mga NFT ang Ethereum sa mainstream noong 2021, hindi mababa para sa mga celebrity at artist na nakakuha ng mga headline para sa record breaking sales, binenta ni Beeple ang kanyang “5,000 days” na trabaho sa halagang $69.3 milyon noong 2021, na nagposisyon sa kanya sa pagitan nina Koons at Hockney bilang “nangungunang tatlo most valuable living artists” ayon sa Christie's, na nagsagawa ng auction. Ginagamit ng milyon-milyong tao ang MetaMask para bumili at magbenta ng mga NFT sa mga marketplace, o nang direkta mula sa mga artist.
Ngunit ang mga NFTs ay mas mahalaga keysa mga speculative investments Kinakatawan nila ang mga bagong paraan upang pagkakakitaan ang kanilang sining at kumonekta sa kanilang mga fans. Maraming beses nang ipinaliwanag kung paano binago ng social media at music streaming platforms ang relasyon sa pagitan ng mga creator at fans nila sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bagong intermediary: ang platform.
Halimbawa, kung naglabas ka ng music sa Spotify noong 2021 at may average na bilang ng plays, kumita ka dapat ng tinatayang $636 lang. Samantala, binayaran ka dapat ng YouTube nang tinatayang $2.47 kada channel, habang ang Meta naman ay sa napakaliit na $0.10 kada creator.
Sa kabilang banda, nagbayad ang Web3 ng humigit-kumulang $174,000 sa bawat creator noong 2021. Bagama't hindi kumita ang bawat isa sa 22,400 Web3 artist nang ganito kalaki, ipinakikita nito na naging malaking industriya ang mg NFT para sa creator class, na may mahigit $9 na bilyon sa primary sales at royalties sa secondary sales. Para sa mga creator na nagpapatakbo sa ganitong mga bagong digital space, kinakatawan ng mga NFT ang unang totoong paraan para suportahan ang kanilang craft nang full-time.
Ang mas nagiging vague na salita na "creator economy" ay ginagamit para ilarawan ang mga espasyo sa internet na ginawa para tulungan ang mga creator na kumita sa mga bagong paraan. Ipinangako ng OnlyFans, Twitch, at iba pang platform sa mga user nito ang kalayaan na direktang kumita mula sa kanilang mga fan sa halip na umasa sa ad-driven, attention-based monetization model tulad ng social network. Pero hindi katulad ng mga Web3 network, puwede ng alisin sa network ang mga creator nang walang makatuwirang dahilan, at hindi sila ang may-ari ng content na sine-share nila.
Dahil ang mga NFT ay bahagi ng relasyong patron-artist, mayroon ding direktang linya ang mga artist sa kanilang mga pinakaunang tagasuporta — isang koleksyon ng mga Ethereum address o mga pangalan ng ENS na maaaring gamitin para sa mga mailing list, entry pass, at mga sistema ng pagbabayad para sa mga artist para maengganyo ang kanilang fans anuman ang platform na ginagamit nila.
Hindi katulad ng mga social network ng Web2, puwedeng bumili ng mga NFT sa isang serbisyo, ipagbili ito sa secondary market, o gamitin sa iba pang game at application.
Sa madaling salita, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga katangian ng Ethereum, portable at interoperable na kinatawan ng kahit ano ang mga NFT!
Mga NFT at Creator
- 01
Ang non-fungible ay nangangahulugang nag-iisa
- 02
Sa Web3, napatunayang mga bihirang digital item ang mga non-fungible token, o mga NFT, ito man ay mga digital trading card, ticket sa isang event, in-game item, digital music, o art
- 03
Dahil ang mga NFT ay bahagi ng patron-artist relationship, mayroon ding direktang linya ang mga artist sa kanilang mga pinakaunang tagasuporta, anuman ang platform na ginagamit nila
Handa nang gawin ang susunod na hakbang?
I-explore ang MetaMask