Ang Simula ng Digital Ownership
Maliban kung na-print mo ang page na ito, digital ang mga salitang binabasa mo. Madali mong makokopya ang mga ito at ma-paste sa ibang lugar.
Ang kombinasyon ng internet (isang pandaigdigang network ng mga konektadong computer) at digitization (ang pag-encode ng halos lahat ng impormasyon sa digital, hindi pisikal na format) ay nagresulta ng paglago ng pagkopya at pagpapakalat ng impormasyon.
Sa malaking bahagi ng kasaysayan, ina-apply lang ang pagmamay-ari o ownership sa mga pisikal na bagay; isa itong konseptong nag-uugnay sa pagitan ng isang may-ari (karaniwang isang tao) at isang bagay, na nagbibigay ng karapan sa mag-ari na magkaroon at kontrol ang bagay na iyon.
Sa malaking bahagi ng kasaysayan, ina-apply lang ang pagmamay-ari o ownership sa mga pisikal na bagay; isa itong konseptong nag-uugnay sa pagitan ng isang may-ari (karaniwang isang tao) at isang bagay, na nagbibigay ng karapan sa mag-ari na magkaroon at kontrol ang bagay na iyon. Posibleng katunayan ng ugnayang iyon ang isang resibo, titulo, o kasunduan. Puwedeng maging pag-aari ng sinuman ang mga sasakyan, violin, cash, bahay, martilyo, at aquarium... at hindi lang dito nagtatapos ang listahan. Ang pagbuo ng ganoong mga bagay ay nangangailangan ng mga pasilidad, kagamitan, empleyado, mga hilaw na sangkap, at perang pampuhunan.
Walang madaling paraan para sa karaniwang tao na gumawa—o paramihin—ang isang sasakyan, violin, o aquarium. Dahil sa mga partikular na feature ng kanilang pisikalidad, mahirap gawin at i-duplicate ang mga bagay na ito.
Medyo naiiba at mas hindi tangible ang media. Ang isang libro, record, o VHS tape, ay mga pisikal na bagay lahat na hindi lubos na pinahahalagahan para sa kung ano mga ito, pero kung ano ang nilalamanng mga ito. Ang mga nilalamang iyon ay kung para saan ang access na binibili ng may-ari. Kung bumili ng libro, ito ay para ma-access ang nakasulat. Ang mga aklat ay orihinal na isinulat ng kamay at kinopya ng mga taong espesyal na sinanay para dito. Paglipas ng panahon, nakatulong ang mga printing press para makagawa ng mas maraming libro sa mas madaling paraan. Pero para sa karaniwang tao, hindi madaling gawin o paramihin ang mga ito.
Nagbago ang lahat ng ito nang dumating ang mga computer at digitization.
Ang compact disc—o CD—ay isa sa mga unang mass-market na media na digital. Kumakatawan ito sa pisikal na paraan para bigyan ang may-ari nito ng access sa media.
Alam natin na ang may-ari ng isang CD ang siyang may-ari ng medium, pero hindi siya ang may-ari ng laman nito: kapag bumili ka ng CD, ikaw ang may-ari ng mismong disc, pero wala kang karapatan sa nilalaman nitong music. Hindi ka pinapayagang kopyahin at ipagbili ito.
Ang CD, at and DVD kalaunan, ang nagtakda ng isang bahagi ng kasaysayan kung kailan naging mature na ang digital media technology para maging available sa pampublikong merkado, pero hindi pa handa ang computer sa bahay at network technology para ibahagi ito.
Nagbago ang lahat ng ito sa sandaling naging mainstream ang internet.
Taong 1996 nang ilunsad sa publiko ang mga unang DVD at player. Makalipas lang ang 15 taon, taong 2011 nang opisyal na pinaghiwalay ng Netflix ang mga serbisyo nito sa streaming at DVD, na nagpasimula sa bagong yugto ng digital consumption: ang streaming.
Nagkakaroon ng malaking problema ang malalaking kompanya ng media habang naluluma ang mga personal na computer at ang internet: kinokopya ang kanilang IP at kumalat nang mas mabilis at mas malawak kaysa sa panahon ng VHS. Pero ang problemang ito ay hindi kakaiba sa kanila; anumang digital na artifact ay maaaring kopyahin at ibahagi sa buong mundo, walang hanggan, at kaagad.
Kung gusto mong gumawa ng digital money, maaari lamang gumawa ang mga tao ng kopya ng digital na dolyar and gastusin ito nang dalawang beses.
Kilala ito bilang ang problema sa dobleng paggasta at ang pangunahing hamong nilulutas ng mga network ng cryptocurrency.
Sa pamamagitan ng paggawa ng pandaigdigan, bukas, nakabahagi, desentralisadong database, at paggamit sa kriptograpiya, gumawa ang mga pampublikong network tulad ng Bitcoin at Ethereum ng mga matatag na sistemang maaaring magsilbing pundasyon ng tiwalang kapaki-pakinabang para sa mga kalahok sa network sa buong mundong sumang-ayon sa kung ano ang bumubuo sa halaga, at kung sino ang may hawak nito.
Nilulutas ng mga teknolohiyang ito ang dobleng gastos na problema: hindi mo maaaring i-duplicate ang Ether (ETH) —ang native token ng Ethereum network—at hindi mo ito maaaring gastusin nang dalawang beses.
Ang mga network protocol ay dinesenyo upang hindi madu-duplicate ang mga digital artifact sa mga network na iyon.
Ito ay isang pambihirang pagbabago na may epektong hindi maipagpaliban: habang patuloy ang pagiging digital ng ating mundo, at nagiging mas interconnected, wala pang nakakagawa ng kakayahanng gumawa at magmay-ari ng mga ganap na digital na bagay na may personal at indibidwal na kontrol.
Hanggang ngayon, nananatiling compartmentalized sa malalaking corporate storage ang digital data at mga digital na "pag-aari": ang mga larawan na na-upload mo sa social media site ay nananatili sa site na iyon; ang mga bagay na naipon sa isang laro ay nananatili doon; at ang mga reward points na naipon sa paggamit ng credit card ay nananatiling bahagi ng network nito.
Ang naitatag ng mga crypto network ay isang connective tissue sa pagitan ng mga silo na ito, at ang pagkakataon para sa mga tao na makakamit at makakontrol ang kani-kanilang pag-aaring digital.
Ito mismo ang tulong na naibibigay sa iyo ng mga wallet tulad ng MetaMask.
Ang MetaMask ay hindi katulad ng mga siloed corporate walled garden. Hindi ito nagiimbak o nagtatago ng iyong mga digital na produkto. Sa halip, binibigyan ka nito ng direktang access para kontrolin ang iyong mga asset at identity sa mga global, pampubliko, at crypto network tulad ng Ethereum.
Ngayon na puwede ka nang mag-mayari ng digital assets, anu-ano ang puwede mong gawin? Sa mga susunod na aralin, aalamin natin kung paano nagtutulungan ang digital ownership, self-custody, at identity upang lumikha ng decentralized finance (DeFi), mga digital collectible (NFTs), at mga digital cooperative (DAOs).
Ang Simula ng Digital na Pagmamay-ari
- 01
Binibigyan ako ng Web3 technology ng digital ownership sa mga asset ko
- 02
Binibigyan ako ng mga wallet ng crypto tulad ng MetaMask ng direktang access para kontrolin ang aking mga asset sa mga pampublikong network tulad ng Ethereum
- 03
Nagbibigay-daan ang Web3 sa bagong panahon ng digital na pag-aari na may indibidwal na kontrol
Handa nang gawin ang susunod na hakbang?
I-explore ang MetaMask