Ano ang Pag-stake?

Hero 10

Ang staking ay isang diskarte na ginagamit sa buong crypto at web3 na nagbibigay kapangyarihan sa mga user na lumahok sa pagpapanatili na tapat at secure ang isang blockchain network.


Karaniwan na ang pag-lock up ng mga token sa buong web3, at madalas na nangyayari kapag may nakita kang pagbanggit sa "pag-stake" ng mga token. Karaniwang nakakatanggap ang mga user ng kahit papaanong access, pribilehiyo, o gantimpala sa paglipas ng panahon bilang kapalit ng kanilang pag-lockup, at puwedeng i-withdraw ang kanilang mga token kapag gusto nila at kung kailan nila gusto.

Marami nang programa ng mga gantimpala sa mundo; isipin na kung puwede mong i-lock up ang iyong airline miles at magkaroon ng karagdagang kita, o sa halip na mag-punch hole ng card sa iyong lokal na kapehan, puwede mong i-lock up ang mga token ng gantimpala para makakuha ng mga bag ng kape o isang magandang tasa.

Gayunpaman, ang ganitong anyo ng pagdedeposito ng mga token para makakuha ng mga gantimpala sa isang platform ng DeFi ay hindi naman talaga staking.

Isinasagawa ang pag-stake sa antas ng network, at tungkol lahat ito sa pag-secure ng network.

Ilagay ang Proof of Stake system ng Ethereum, Puwedeng piliin ng kahit sino na maging isang validator at i-lock up ang kanilang ETH sa pamamagitan ng pagdeposito nito sa isang smart na kontrata—isang program na tumatakbo sa blockchain ng Ethereum.

Sa mahigit 565,000 validator na nagse-stake ng standard na 32 ETH bawat isa—mahigit $32 bilyon sa kasalukuyang rate—ang mekanismo ng Proof of Stake (PoS) ng Ethereum ang pinakamalaking halimbawa ng pag-stake sa web3.

Bakit?

Kaya bakit umiiral ang pag-stake?

Ang 30-segundong bersyon: noong inilunsad ang Ethereum, isa itong pangdaigdigang network ng mga tao na nagpapatakbo ng software sa kani-kanilang computer (na tinatawag na mga node) na nagsi-sync ng data ng isang database na ginagamit ng marami—isang ipinamahaging ledger. Maaabot at mapapanatili ng mga node na ito ang kasunduan tungkol sa kasalukuyang estado ng database na iyon. Seguridad ang pangnahing hamon: paano mo maiiwasan ang isang bad a actor na makakuha ng kontrol sa database at palitan ito para sa sarili nilang interes?

Una nang nalutas ng Ethereum ang problemang ito sa pamamagitan ng paggamit ng Proof of Work (PoW). PoW—isang sistema na ginagamit pa rin ng Bitcoin at iba pang network ng blockchain—na nangangailangan ng paglutas ng mga napakakomplikadong matematikal na problema bago maidagdag ang anumang impormasyon sa blockchain. Puwedeng kilala mo ito bilang crypto ‘mining’.

Gumagawa ang PoW ng potensyal na pag-atake sa network na talagang matemaikal na komplikado na kahit ang pagsubok dito ay pinansyal na imposible dahil posibleng mangailangan ito ng napakaraming advance na computer. Sa paglipas ng panahon, nagiging pahirap nang pahirap ang mga matematikal na problema, na humihingi lutasin ng mas makapangyarihan computer Kailangan ng mga makapangyrihang computer ng kuryente habang nagiging komplikado ito, pati na rin ang carbon footprint ng mga miner. 

Micro System 10

Ang computer equipment arms race at hamong pangkalikasan ng PoW ay nalabanan na ng Proof of Stake (PoS). Sa ilalim ng PoS, secure ang network dahil sa maraming party na nadeposito ng 32 ETH sa isang smart na kontrata. Kapag mas maraming token ang na-stake, nagiging mas mahal ito para sa isang hindi magandang actor para atakehin ang network. Ang deposito, o stake na ito ang nagbibigay sa iyo ng karapatang makilahok sa pagbuo ng mga bagong block para sa blockchain at magantimpalaan bilang kapalit. Kung hindi mo magampanan nang maayos ang tungkuling ito, kukunin sa iyo ang ilan o lahat ng stake mo—isang parusa na tinatawag na "pag-slash".

Sa paglipat sa PoS, nagagawa ng Ethereum na mapanatili ang seguridad ng network nito at bawasan ang mga carbon emission nang mahigit sa 99.95%, kumpara sa PoW.

Saan ako magse-stake?

Puwedeng mag-solo stake ang mga may kakayahan at handa nang mag-stake ng full node (32 ETH) sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng validator nang sila mismo sa bahay, o gamitin ang mga solusyon ng self-custodial na pag-stake gaya ng Pag-stake sa Consensys.

Isang mas madaling ma-access na opsyon, lalo na kung wala kang 32 ETH (na gaya ng marami sa atin), ang liquid na pag-stake: ang kakayahang magdeposito nang mas mababa sa 32 ETH sa isang pool na pagkatapos ay gagamitin para magpasimula at magpanatili ng mga node sa pag-stake.

Nagbibigay ang liquid na pag-stake ng karagdagang benepisyo na makatanggap ng token ng liquid na pag-stake bilang kapalit ng iyong deposito. Kinakatawan ng token na ito ang halaga ng ETH na na-stake mo, kasama ang mga gantimpalang nakuha ng ETH mo; na ginagawang madali ang pagsubaybay sa iyong deposito para kapag gusto mo nang i-withdraw ang stake mo, o puwede mo nang gamitin ang token na ito bilang collateral sa kahit saan sa DeFi.

Maraming protocol na nag-aalok ng mga opsyon sa liquid na pagtataya, at mahalagang gumawa ka ng iyong pananaliksik tungkol sa mga ito bago ilagay ang pinaghirapan mong ETH sa isang opsyon.

Dahil dito, nag-aalok ang Metamask sa mga user ng madaling access sa mga sinuri nilang provider ng liquid na pag-stake sa pamamagitan ng MetaMask Portfolio para sa isang intuitive karanasan.

Kaya ngayon, nauunawaan mo na ang pag-stake bilang isang pampublikong produkto na tumutulong na gawing secure ang isang network ng blockchain, at may iba't ibang paraan para makilahok.

Ano ang Staking?

  • Row 4
    01

    Ang pag-stake ay isang napakahalagang mekanismo para i-secure at mapanatili ang isang network ng blockchain

  • Row 2
    02

    Mas secure at sustainable ang mga network na gumagamit ng mga Proof of Stake (PoS) system gaya ng Ethereum kaysa sa mga network na gumagamit ng mga Proof of Work (PoW) system

  • E1
    03

    Ang pag-stake ay isang desentralisado at pampublikong produkto na nakakatulong sa pag-secure ng isang network at nagbibigay-daan sa akin para makakuha ng gantimpala bilang kapalit

Handa nang gawin ang susunod na hakbang?

I-explore ang MetaMask
Learn