Ano ang Wallet ng Crypto?
“Hindi wallet ang isang wallet” – ilang web3 philosopher
Para i-unlock ang potensyal ng Web3, kailangan mo ng wallet ng crypto.
Katulad ng kung paano nagsisilbing gateway mo sa Internet ang mga browser, nagsisilbing gateway mo ang mga wallet para magamit mo ang mga crypto app, na tinatawag ding mga dapp. Maaaring makatulong na ipakita ang papel ng tradisyunal at mga digital na wallet kagaya ng pagkakakilala mo sa mga ito ngayon para maunawaan ang kalikasan ng isang crypto o Web3 wallet.
Pisikal ang mga tradisyonal na wallet—inilalagay mo ito sa bag o bulsa mo at naka-store dito ang mga credit card, pera, lisensya mo sa pagmamaneho, kahit na ang larawan ng mahal mo sa buhay. Ang mga digital wallet, gaya ng wallet sa phone mo, bagama't hindi nahahawakan, ay naglalaman din ng ilang bagay: impormasyon ng credit card, digital cash, mga ticket sa concert, boarding pass, at marami pang iba.
Ang mga wallet ng crypto ay isang anyo ng digital wallet na idinisenyo para sa web3. Matutulungan ka ng mga ito na pangasiwaan ang mga permiso sa kung kanino ibabahagi ang iyong data, itatago ang iyong cryptocurrency, mga NFT, at iba pa.
Lahat ng wallet sa kanilang core—pisikal man o digital—ang may hawak sa iyong awtoridad para magamit mo ito saan ka man magpunta.
Paano mo gagamitin ang iyong awtoridad sa Web3?
Ang iyong wallet ay isang paraan para itago at pamahalaan ang pagkakakilanlan mo na kinakatawan ng digital keys. Kailangan mo ang mga key na ito para gumawa ng kahit ano sa isang blockchain—kumonekta sa isang dapp, magpadala o makatanggap ng crypto, bumili o magbenta ng mga NFT, atbp. Ituring mong isang Web3 permissions manager ang wallet mo, kung saan mo binibigyan ng access ang mga app na gusto mong gamitin.
Kapag nakagawa na ng wallet ng crypto mo, nalilikha ang isang natatanging phrase, na tinatawag na 'Secret Recovery Phrase' (SRP) o 'seed phrase' mo. At oo, mmukhang cryptic ang phrase na ito, pero ang totoo, cryptographic master password lang ito na kailangan mong iitago. Ito ang pundasyon kung saan nagmumula ang iyong mga digital na pampublikong address at pribadong key—isang pares para sa bawat account na malilikha mo sa MetaMask.
Ang pampublikong address ay ang unang paraan na makikilala mo ang iyong sarili sa blockchain. Parang bank account number mo, kung saan ang private key mo (na nagmula sa iyong SRP) ay parang ang pin code para mapasok ang iyong bank account—hindi mo dapat ibigay iyon sa kahit na sino, at gusto mong panatilihing ligtas iyon, 'di ba?
Mina-manage ng wallet ng crypto mo ang mga key na ito para magbigay-daan sa iyong madaling makipagtransaksyon sa Ethereum blockchain. Para dalhin ang seguridad sa susunod na antas, nagdaragdag ng karagdagang layer ng seguridad ang isang wallet ng hardware sa pamamagitan ng pag-store sa iyong mga key nang offline. Marami ka pang matututunan tungkol sa mga key na ito sa susunod na aralin, pero sa ngayon…
Heto ang iilan sa mga bagay na maaari mong gawin gamit ang isang crypto wallet:
- Tanggapin at tanggihan ang mga transaksyon
- Kumpirmahin ang mga transaksyon
- Bumili ng cryptocurrency
- Magtaguyod, bumuo, at pamahalaan ang iyong Web3 identity
- Bilhin at i-mint ang mga NFT
- Ingatan ang iyong cryptocurrency
- Bumoto sa mga proposal/petisyon
- Kumonekta sa dapp
Ano ang Wallet ng Crypto?
- 01
Isang wallet ng crypto ang gateway ko sa web3
- 02
Ang wallet ng crypto ay isang user interface na nagtatago ng at namamahala sa aking digital keys
- 03
Ang wallet ng crypto ay isang web3 permissions manager na nagpapahintulot sa aking magbigay ng access at aprubahan ang mga decentralized application (mga dapp) na ginagamit ko
Handa nang gawin ang susunod na hakbang?
I-explore ang MetaMask