Ano ang Sariling Kustodiya?
Sanay na kaming mag-iwan ng mga bagay sa custody ng iba.
Tumutukoy ang custody sa nagpoprotektang pag-iingat o pangangalaga ng isang bagay. Regular naming iniiwan ang mga asset sa pag-iingat ng mga bangko, tagapamahala ng pamumuhunan, at palitan.
Dati, mga bangko lang ang eksklusibong may pisikal na cash at dito natin puwedeng iwanan ang pera at mahahalagang pag-aari natin at kampante tayo na ligtas ang mga ito rito. Ang mga bangko ay may mga vault, samantalang mayroon kang mga unan at mga floorboard.
Sa self-custody, ang vault ng bangko ay katumbas ng isang safe sa bahay: halos ibinibigay mo ang seguridad na ibinibigay ng bangko, pero may ganap kang kontrol sa mga asset na itinago mo rito. Hindi lang iyon nangangahulugan na ikaw ang may kontrol sa mga ito—nangangahulugan din ito na walang ibang may kontrol sa mga ito. Pero, ang responsibilidad na protektahan ang mga asset na iyon ay sa iyo lang.
Dahil ang karamihan sa makabagong gawaing salapi—kabilang na ang pagbabangko—ay naging digital, natural lamang na isipin na ang mga asset ay electronic: sa katunayan, 8% lang ng lahat ng pera sa mundo ay pisikal na pera.
Ang natitirang 92% ay hindi na pisikal: kapag nakatanggap ka ng tseke, magbayad ng Netflix subscription, o bumili ng medieval goblet sa Amazon, ang mga transaksyon na ito ay nagaganap na hindi gumagamit ng pisikal na pera.
Bagama't natural lang isipin na sa mga bangko tayo nagso-store ng pera at mga asset natin dahil matagal tayong umaasa sa mga ito, ganap na magkaiba ang pisikal na mundo at digital na mundo.
May mga hindi magandang dulot kapag umasa sa bangko o isang palitan ng crypto para sa custody ng mga asset mo. Halimbawa, kailangan mong palaging i-authenticate ang sarili mo sa iyong bangko bago ka nila payagang i-access ang mga account mo. Karaniwang maganda ang ganitong bagay, hanggang sa magkaroon ng isang hindi inaasahang transaksyon (gaya ng pagbili ng isang medieval goblet) na mukhang kahina-hinala sa custodian, na posibleng i-lock ang mga account mo pagkatapos. O nagkaroon ng pinansyal na pagbagsak at maglalagay ng mga limitasyon ang iyong custodian sa pagbebenta ng stock mula sa iyong mga account, o mas masahol pa, mapipilitan ang iyong bangko na mabangkarote dahil sa pagbagsak ng merkado, na pipigil sa iyong i-withdraw ang iyong pera.
Ang naibubunyag nito ay may intermediary na kumokontrol ng iyong mga asset, at sila ang nagbibigay ng pahintulot na ma-access mo ang mga ito…at maaaring bawiin ang pahintulot na iyon.
Isa ito sa mga kritikal na kaibahan ng cryptocurrency: maaari kang maging custodian ng sarili mong digital assets, kung saan nagmumula ang terminong “self-custody”.
Ano ang Sariling Kustodiya?
- 01
Ang sariling kustodiya ay Digital na Pagmamay-ari
- 02
Ang mga self-custodial wallet tulad ng MetaMask ay walang access o kontrol sa aking mga asset, palagi itong naka-on at pinapayagan akong magbigay ng permiso
- 03
Ang sariling kustodiya ay nangangahulugang pinoprotektahan at binabantayan ko ang aking assets nang may ganap na kontrol sa mga ito
Handa nang gawin ang susunod na hakbang?
I-explore ang MetaMask