Ang Panahon ng Digital na Pagkakakilanlan

Lesson 03 Hero Art Alpha

Binabago ng digitization ang mundo. Habang umuunlad ang digital technology, nagiging mas madali at mas ligtas ang pagiimbak at pag-access ng iyong personal na impormasyon. Tapos na ang mga araw na ang papeles ukol sa iyong buhay ay nakaimbak sa isang malaking filing cabinet; tayo ngayon ay nagiimbak ng impormasyon tungkol sa ating buhay gamit ang digital technology.

Pagkakakilanlan?

Lesson 03 SideBySide 01

Kaya, ano ang pagkakakilanlan?

Sa pinakasimpleng kahulugan, ito ang patunay kung sino ka. Kinukumpirma at pinapatunayan ng sistema ng pagkakakilanlan kung sino ka, na pinapayagan kang ma-access ang iba't ibang mapagkukunan. Ang iyong pangalan, edad, address ng tahanan, email address, mga medikal na rekord, o kahit na ang mga kredensyal sa pag-log in para sa website ng provider mo ng kuryente ay lahat nag-aambag sa pagtukoy sa iyong pagkakakilanlan.

Bagama’t mainam din ang mga kasalukuyang paraan na ginagamit natin para makakuha, mag-store, at magbahagi ng ganitong mga impormasyon tungkol sa ating sarili, magkakaiba ang mga ito at puwedeng magdulot ng mga problema. Posibleng kailanganin mong dumaan sa mahabang proseso para makakuha ng kopya ng ID card mo kapag naiwala mo ito. Magiging mahirap ding kunin ang dati mong medical history kung kailangan mong magpakonsulta sa isang bagong doktor pagkatapos mong lumipat. Puwedeng maging sakit sa ulo ang pagsubaybay lang sa lahat ng username mo sa pag-login para sa iyong email, bangko, school, at iba pa (posible kang matulungang ng bago mong doktor). Ang bawat aspeto ng iyong buhay ay nagsasangkot ng pagkakakilanlan ng ilang uri—mula sa pabahay, hanggang sa trabaho, edukasyon, hanggang sa iyong medikal na kasaysayan, kapag mas ginagawa mo pa, nagiging mas malaki ang web ng pagkakakilanlang ito.

Ano ang mangyayari kapag pag-aari at kinokontrol mo ang lahat ng impormasyong ito (hindi ng iba pang entity), na nasa iisang lugar at madaling ma-access? May nag-e-exist na ganitong teknolohiya, at nagbabago ito kada araw. Sa Web3, muling pinag-iisipan ang mga bagong paraan ng pag-iisip tungkol sa pagkakakilanlan para tugunan ang susunod na yugto ng digital na pagkakakilanlan.


May nag-e-exist na ganitong teknolohiya, at nagbabago ito kada araw. Sa Web3, muling pinag-iisipan ang mga bagong paraan ng pag-iisip tungkol sa pagkakakilanlan para tugunan ang susunod na yugto ng digital na pagkakakilanlan.

MS-03-ALPHA 1

Ang Iyong Lihim na Parirala sa Pagbawi at ang iyong pagkakakilanlan


Pinapayagan ka ng iyong wallet ng crypto na magtago ng impormasyong tumutukoy sa iyo sa isang lugar. Kapag gumawa ka ng iyong wallet, bibigyan ka ng 12 salita na kilala bilang iyong Lihim na Parirala sa Pagbawi (Secret Recovery Phrase, SRP). Ang SRP ay karaniwang 12 Ingles na salita na parang katulad nito (tandaan, hindi ito isang tunay na Lihim na Parirala sa Pagbawi):

witch / brown / cat / coven / bollywood / flower / bottle / phone / orange / camper / light / ear

Ang 12 salitang ito ang pundasyon ng iyong digital na pagkakakilanlan at ginagamit para makabuo ng mga key na magbibigay sa iyo ng access sa wallet mo. Katulad ng hindi mo pagbibigay sa iba ng PIN number ng account mo sa bangko, hindi mo rin dapat ipaalam sa iba ang 12 salitang ito: magkakaroon ng access sa wallet mo at sa lahat ng asset na nasa loob nito ang sinumang nakakaalam sa SRP mo. Tulad ng alinmang bahagi ng kasaysayan, kung saan may sangkot na pera at masasamang tao, napakahalagang maging maingat. Para protektahan ang pagkakakilanlan at mga digital na asset mo, kailangan mong protektahan ang Secret Recovery Phrase mo.

lock

Paggamit ng identity mo: Ang Pampublikong Address Mo

Kapag nalikha mo na ang iyong wallet, ang pampublikong address mo, na madalas na tinatawag na iyong pampublikong key, ay tumutukoy sa lahat ng mga transaksyong nauugnay sa iyo. Ang isang pampublikong address ng wallet ay isang hanay ng mga titik at numerong kumakatawan sa iyong account, na katulad ng isang bank account number.

Parang ganito:

0xd8da6bf26964af9d7eed9e03


Malaya kang magbahagi ng iyong pampublikong address, pero tandaan na kung may maghahanap ng iyong address sa blockchain explorer tulad ng Etherscan, puwede nilang makita ang buong kasaysayan ng mga transaksyong nauugnay rito. Ang mahabang string ng mga letra at numerong ito ay puwedeng maging mahirap na kabisaduhin, pero kung gusto mong gawin iyon, hindi kami manghuhusga. May mga tool para gawing mas madaling tandaan ang address ng account mo, gaya ng Ethereum Name Service (ENS). Pinapayagan ka ng ENS na magrehistro ng .eth na ipangalan at i-link ito nang direkta sa iyong address ng wallet, mga website, at domain.

Katulad ng mga email address, ang mga pangalan ng ENS ay natatangi at nag-iisa. Ang isang halimbawa nito ay vitalik.eth — na sa totoo lang ay tumutukoy sa pampublikong address sa itaas. Kapag nakarehistro na, walang sinuman ang maaaring magkaroon ng kaparehong .eth na pangalan maliban kung ibebenta o ililipat mo ito. Sa sandaling i-link mo ang ENS sa iyong account, maaari mong ibigay ang iyong ENS bilang kapalit ng mahabang string ng mga titik at numero kapag nagsasagawa ng mga transaksyon.

Kung ito man ay mga departamento ng pananaliksik sa mga pangunahing kumpanya ng teknolohiya tulad ng IBM at Microsoft, mga pandaigdigang lupon ng pamantayan tulad ng World Wide Web Consortium (W3C), o mga innovator ng ekosistema ng Ethereum tulad ng Consensys, ang mga tao sa buong mundo ay nagsusumikap sa pagtulay sa Web3 at tradisyonal na mga sistema ng pagkakakilanlan, tulad ng mga ginagamit para sa paglalakbay, paninirahan, pagboto, at panlipunang seguridad.

Ang larangan ng digital identity ay masusing at aktibong sinasaliksik. Narito ang ilang halimbawa ng mga tanong na pinag-iisipan ng mga taong lumilikha ng susunod na yugto ng World Wide Web:

Lesson 03 Hero Art Alpha

Ano-ano ang paraan para masiguro nating sa may-ari nito ang isang wallet at kumakatawan sa isang natatanging indibidwal? Paano madadala ng isang user ang kanyang personal na data habambuhay—online at offline? Pano mave-verify nang tama at ligtas ang pagkakakilanlan at mga aktibidad ng isang tao nang hindi umaasa sa isang sentralisadong awtoridad?


Asahan ang mabilis na pagsulong sa susunod na ilang taon habang nirerebolusyonisa ng Web3 ang paglikha, pag-iimbak, at pamamahala ng digital na pagkakakilanlan.

Tandaan, ang Secret Recovery Phrase mo ang ugat ng pagkakakilanlan mo sa web3. Isulat mo, itago, at huwag ibigay sa kahit na sino: kahit sa kapatid mo, sa accountant mo, lalo na sa tattoo artist mo.

Ang Panahon ng Digital na Pagkakakilanlan

  • 03 Takeaway 03
    01

    Ang Secret Recovery Phrase (SRP) ay ang sentro ng pagkakakilanlan ko sa web3.

  • 03 Takeaway 02
    02

    Kailangang isulat ang SRP at ilagay sa isang ligtas na lokasyon. Ang SRP ay katulad ng pin number ng card mo sa bangko, hindi mo gugustuhing ibigay ito sa iba o hahayaang makita ito ng iba.

  • 03 Takeaway 01
    03

    Ibinibigay ng SRP ang aking pampublikong account number na kahambing ng isang bank account number, dito ako naiuugnay sa blockchain ng pampubliko.

Handa nang gawin ang susunod na hakbang?

I-explore ang MetaMask
Learn